Senator Manny Pacquiao, bagong presidente ng PDP-Laban

Pormal nang nanumpa bilang bagong presidente ng Partido Demokratikong Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) si Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, si House Speaker Lord Allan Velasco ang bagong executive vice president ng partido.

Sa tweet, makikitang pinangunahan ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang oat taking ng dalawang party officials.


Papalitan ni Pacquiao si Pimentel na ngayon ay nakaupo na bilang executive vice chairperson ng partido.

Dagdag pa ni Munsayac, si Pacquiao ay ‘acting national president ‘ ng ruling party.

Ang mga bagong party leaders ay inaasahang makikipagtulungan sa chairman ng partido na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments