Senator Manny Pacquiao, pinag-iingat na sa kanyang kalusugan

88

Manila, Philippines – Matapos makatamo ng maraming suntok at magkasugat sa ulo mula sa Australyanong boxer na si Jeff Horn, iginiit ng ilang mambabatas na kailangan nang pagtuunan ng pansin ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang kalusugan.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, napakadelikadong sports ng boxing at nagkakaedad na rin ang Senador.

Kailangan na ring tanggapin ni Pacquiao na tumatanda na siya at nagiiba na rin ang lakas ng katawan at kalusugan nito.


Dapat na alagaan na ni Pacman ang kanyang sarili at panahon na rin para magfocus ang Senador sa kanyang trabaho.

Sa kabila ng pagkatalo ni Pacquiao kay Horn ay mananatili pa rin itong pride ng Pilipinas.

Facebook Comments