Senator Manny Pacquiao, tinanggap ang ikalawang nominasyon para sa pagtakbo sa pagkapangulo

Tinanggap na ni Senator Manny Pacquiao ang ikalawang nominasyon para sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 national elections.

Si Pacquiao ang naging standard bearer ng Probinsya Muna Development Initiative (PROMDI) na ginanap sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City, ang balwarte ng party founder at ni dating Cebu Governor Lito OsmeƱa.

Pinili ang senador bilang standard bearer dahil kumakatawan ito sa pangarap ng maraming mga Pilipino.


Sa ngayon, pagtitiyak ni Pacquiao na nananatiling dahilan niya sa pagtakbo na maging Presidente ng Pilipinas, para sa bayan at maisulong ang kapakanan ng lahat.

Facebook Comments