Senator Marcos, nagpasalamat sa tsansang ibinigay sa kanilang pamilya ng mamamayang Pilipino

160

Taos-puso ang pasasalamat ni Senator Imee Marcos sa lahat ng nagtiwala sa kanilang pamilya mula sa mga loyalista, mga Ilokano gayundin sa lahat ng naniwala at sumuporta sa kanyang kapatid na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang napakalaking boto na nakuha ni BBM na mahigit 31 milyon ay itinuturing ni Senator Imee bilang tanda ng pagbabalik o restoration ng tiwala at kumpiyansa ng sambayanang Pilipino sa kanilang pamilya.

Para kay Senator Imee, extraordinary at remarkable ang tagumpay na tinamo ng kanyang kapatid na isang pagkakataon para ipakita kung ano ang magagawa nila para sa bansa at sa mamamayang Pilipino.


Naalala pa ni Senator Imee ang mabigat pinagdaanan ng kanilang pamilya sa nakalipas na halos apat na dekada kung saan sila ay kinutya, inapi at tinambakan ng kung anu-anong kaso.

Ngayong mauupong pangulo ang kanyang kapatid ay umaasa si Senator Imee na mabibigyang linaw na rin sa wakas ang iniwang legacy o mga nagawa ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments