Senator Pacquiao at Senator Pimentel, hindi makakadalo sa nakatakdang pulong ng PDP-Laban sa July 17

348

Hindi makakadalo sa nakatakdang pagpupulong ng Partido Demokratiko Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Hulyo 17 sina Senator Manny Pacquiao at Senator Koko Pimentel.

Ayon kay Pimentel, hindi awtorisado ang pagtitipon kaya’t hindi siya dadalo.


Habang ang hindi naman pagsipot ni Pacquiao ay ibinahagi ni Ron Munsayac, ang Executive Director ng partido dahil ayon sa senador ang anumang resolusyon o desisyon na lalabas sa naturang pulong ay walang bisa kaya’t hindi nila ito papansinin.

Ang pulong ay ipinatawag mismo ng kampo ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi

Facebook Comments