Senator Pacquiao, hindi aatras sa pagtakbo sa pagkapangulo kahit nakausap na si Pangulong Duterte

468

Tiniyak ni Senator Manny Pacquiao na walang atrasan at tuloy ang kaniyang laban sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Pahayag ito ni Pacquiao, kasunod ng pag-uusap nila ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinasabing nagkaroon sila ng renewal of friendship.

Ayon kay Pacquiao, ang pulong niya kay Pangulong Duterte ay inayos ng mga kaibigan nila.


Sabi ni Pacquiao, ang nabanggit na pulong ay walang kinalaman sa politika kundi pagkakataon na mapag-usapan ang kanilang hangarin para sa Mindanao.

Diin ni Pacquiao, hindi nagbabago ang kaniyang paninindigan sa pagtakbo bilang pangulo dahil sa hangarin na ipakulong ang mga kawatan at iangat ang buhay ng mga mahihirap.

Facebook Comments