Senator Pangilinan, duda sa sensiridad ng mga Marcos

164

Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan si Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan para paniwalaan ang sinseridad ng pamilyang Marcos.

Reaksyon ito ni Pangilinan sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasauli ng pamilya Marcos sa gobyerno ang kanilang yaman pati ang mga gold bars.

Giit ni Pangilinan, dapat lamang isauli ng mga Marcos ang kanilang mga ninakaw.


Maliban dito, binigyang diin ni Pangilinan na dapat ding humingi ng kapatawaran ang mga Marcos sa mga kasalanan ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments