Senator Pimentel, walang nakikitang problema kung hindi kilalanin ng Duterte Administration ang pinalawig na concession agreement sa Maynilad at Manila Water

 

Bilang isang abogado ay walang nakikitang problemang legal si Senator Koko Pimentel na maaring idulot sakaling hindi kilalanin ng Administrasyong Duterte ang pagpapalawig sa concession agreement sa Maynilad at Manila Water.

 

Paliwanag ni Pimentel, ang orihinal na bisa ng kontrata ay hanggang 2022 at noong 2010, sa ilalim administrasyong Arroyo ay pinalawig ito hanggang 2037.

 

Giit ni Pimentel, pwedeng hindi kilalanin ng Administrasyong Duterte ang extension ng concession agreement dahil ng isinagawa ito noong 2010 kung kelan hindi pa expired ang kontrata.


 

Diin ni Pimentel, ngayong 2019 ay makabubuting irespeto na lamang ang orihinal na kontrata hanggang 2022 at huwag na palawigin pa.

Facebook Comments