Senator Ping Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez, naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 ayon kay Senate President Tito Sotto III

1786

Inihayag ni Senate President Tito Sotto III na dalawang mambabatas na ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Sa isang panayam, ikinuwento ni Sotto na immune na sa COVID-19 sina Senator Ping Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.


Kasunod nito, hinikayat din aniya siya ni Lacson na magpabakuna na rin pero idinaan muna niya sa biro ang pagsagot sa kapwa senador.

Ayon pa kay Sotto, matapos mabakunahan si Lacson ay bumata raw sa 30 anyos ang kaniyang pakiramdam.

Inihalintulad ni Sotto ang ginamit na bakuna kina Lacson at Romualdez sa bakuna ng Pfizer na katatapos lamang sa late-stage trials.

Samantala, wala pang pahayag ang dalawang mambabatas sa naging pagbubunyag ni Sotto ukol sa kanilang pagpapabakuna.




Facebook Comments