
Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na nagpadala na ng resignation letter si Senate President pro-tempore Ping Lacson para sa pagbibitiw nito bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ang resignation letter ay may petsang October 7, 2025 na ipinadala sa tanggapan ng Senate President.
Nakasaad sa resignation letter ang dahilan ng pagbibitiw ni Lacson matapos magpahayag ng pagkadismaya ang ilang senador sa naging direksyon ng imbestigasyon ng Blue Ribbon kung saan nadidiin ng husto ang ilan sa mga kasamahang senador.
Sinabi ni Lacson sa liham na batid niyang siya ay naihalal sa Blue Ribbon bilang Chairman at siya ay nagsisilbi ayon sa kagustuhan ng kanyang mga kasamahan.
Iginiit naman ni Lacson na walang katotohanan na idinidiin ang mga senador at may kinikilingan ang kanyang imbestigasyon.
Samantala hindi pa tumutugon si Sotto kung tuluyan na ba niyang tinanggap ang pagbibitiw ni Lacson.









