Senator Poe, nagpahatid na rin ng mga pagkain sa mga inilikas sa Marikina City dahil sa Bagyong Ulysses

39

Nag-organisa si Senator Grace Poe ng food stations sa ilalim ng ‘Panday Bayanihan’ na naghatid ng pagkain sa ilang barangay sa Marikina City kung saan may mga residenteng inilikas dahil sa matinding pagbaha na idinulot ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Pangunahin dito ang Barangay Tumana kung saan nagpahatid si Poe ng mainit na lugaw at mga bote ng tubig bilang dagdag tulong sa mga bakwit.


Nakatakda ring magdala ang Panday Bayanihan ng relief packs at mainit na pagkain sa iba pang apektadong komunidad sa bansa sa mga darating na araw.

Kaugnay nito ay nanawagan din si Poe sa lahat ng bumubuo ng pamahalaan gayundin sa pribadong sektor na magbigay pa ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Facebook Comments