Senator Poe, nilinaw sa 1Sambayan na wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo

334

Nagpasalamat si Senator Grace Poe sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng mamamayang Pilipino.

Pahayag ito ni Poe kasunod ng nominasyon sa kanya ng 1Sambayan para sa 2022 presidential elections.


Agad nilinaw ni Poe na wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa darating na eleksyon.

Ayon kay Poe, sa abot ng kanyang makakaya bilang senador ay nais niyang pagtuunan ng atensyon ang pag-ahon ng ating mga kababayan mula sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments