Senator Poe, tinukoy ang mga may kasalanan sa naganap na Tanay Bus Tragedy

Manila, Philippines – Ang Land Transportation Office o LTO, Best Link College at mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang may kasalanan kaya naganap ang malagim na aksidente sa Tanay Rizal kung saan nasawi ang 15 mga estudyante ng Best Link College na sakay ng bus ng Panda Coach Tours and Transport Inc.

 

Ito ang inihayag ni Senator Grace Poe matpaos ang pagdinig na isinagawa ng pinamumunuan niyang committee on public services ukol sa nasabing trahedya na naganap noong February 20.

 

Ayon kay Senator Poe, palpak ang sistema ng gobyerno kaya nadadaya sa registration ang tunay na edad ng mga sasakyan.

 

Palpak din ayon kay Senator Poe ang desisyon ng Best Link College ng hindi ito maglagay ng guro na kasama ng mga estudyante sa field trip.

 

Kulang din aniya sa safety equipment para ma-check kung maayos pa ang mga bus.

 

Kulang din aniya ang motor vehicle inspection system.

 

Dagdag pa ni Senator Poe ang kawalan ng investigative body na magrerekomenda ng dapat na hakbang para maging ligtas ang pashero at motorista.

Facebook Comments