Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., walang planong tumakbo sa pagkapangulo sa darating na eleksyon

579

Hindi intresado si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na kumandidato sa pagkapresidente sa 2022 elections sa ilalim ng kaniyang partido na Lakas-CMD.

Tiniyak ito ni Revilla makaraang ihayag ni Lakas ng Tao–Christian Muslim Democrats o Lakas-CMD party Secretary General Prospero Pichay na nais nilang ilaban si Revilla sa pagkapangulo.

Ito ay kung hindi nila magiging standard bearer si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.


Ayon kay Revilla, isang karangalan ang tiwala at kumpyansa sa kaniya ng mga kapartido at ng mamamayang Pilipino.

Pero diin ni Revilla, wala siyang intensyon na sumabak sa pampanguluhang halalan.

Facebook Comments