Senator Richard Gordon, aminadong nagbigay ng pork barrel fund sa Philippine Red Cross

1209

Aminado si Senator Richard Gordon sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay siya ng pork barrel fund sa Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay Gordon, ginawa niya ito noong 2010 dahil pinapayagan pa ito noon.


Wala ring naging angal dito ang Commission on Audit (COA) at inaprubahan din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinisita lamang aniya ngayong ng pangulo dahil galit ito sa kaniya at sa pag-iimbestiga ng Senado sa mga tauhan at kaibigan ng pangulo na sangkot sa umano’y iregularidad sa pagbili ng pandemic supplies.

Samantala, hinamon naman ni Gordon ang pangulo na patunayang ibinulsa niya ang kaniyang pork barrel fund.

Facebook Comments