Senator Risa Hontiveros, tiwalang may “fighting chance” sa Senado sina dating Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino

Kumpyansa si Senator Risa Hontiveros na may pag-asang manalo sa Senado sina dating Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Ayon kay Hontiveros, mayroong fighting chance ang mga senatoriables nila subalit kailangan din nilang paghirapan ang pangangampanya.

Batid ng senadora na mabibigat din ang mga kalaban nila na well-funded at mga nakaungos pa sa survey.

Bagamat kailangang paghirapan ay magiging “worth it” naman ang labang ito.

Isa sa mga wish ni Hontiveros ay dumami pa sila sa minorya dahil wala aniya siyang balak na magisa lang sa oposisyon lalo’t pa-graduate na sa mataas na kapulungan si Senate Minority Leader Koko Pimentel.

Facebook Comments