Senator Ronald Dela Rosa hindi magbibitiw sa pwesto sa kabila ng mga banat sa kanya ng netizen

136

Nanindigan si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na hindi sya magbibitiw sa pwesto.

Ito ay kahit na may panawagan ang mga netizen sa Social Media na magbitiw na ito at maging body guard na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagiging puppet o sunod-sunuran umano nito sa administrasyon.


Sa ambush interview sa Camp Crame kung guest of honor and speaker sa ika-29 na anibersaryo ng PNP-Maritime Group si Dela Rosa sinabi nitong wala syang pakialam sa opinyon ng iilan.

Pagmamalaki nya, kung mayroong mga may ayaw sa kanya, ito yung mga hindi bumoto sa kanya noong eleksyon pero hindi na ito mahalaga dahil mas marami namang mga Pilipino ang bumoto sa kanya.

Dagdag pa ng senador, tama lang naman ang pagiging ‘loyal’ nya sa presidente dahil ang presidente ang kumakatawan sa Pilipinas.

Facebook Comments