Senator Sonny Angara, hinikayat si Senate President Vicente Sotto III na isailalim ang PhilHealth sa special audit ng COA

374

Hinikayat ni Senator Sonny Angara si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na isailalim sa special audit ng Commission on Audit (COA) ang umano’y nagaganap na iregularidad at korupsiyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay matapos lumabas na kulang-kulang ang 2017 at 2018 audit report ng COA, para sa mga dokumento at datos ng PhilHealth.


Ayon kay Angara, kailangang makipagtulungan ng coa sa pagdinig para magkaroon ng linaw kung saan na napupunta ang mga pondo ng PhilHealth.

May pagkakataon kasi aniya na iba ang nakasaad sa financial report at walang mga support documents na nagpapatunay dito.

Dagdag pa ni Angara, isa sa dapat imbestigahan ng COA ay kung may nagaganap na overpayments sa PhilHealth.

Ito kasi aniya ang madalas na modus-operandi sa mga insurance fraud kung saan nagsasabwatan ang mga pribado at mga pampublikong ahensiya tulad ng PhilHealth.




Facebook Comments