Senator Tolentino, nag-sorry at nagpaliwanag sa kanyang pagsailalim sa COVID-19 test

Humingi ng paumanhin si Senator Francis Tolentino kung may nadismaya sa pagsailalim niya sa COVID-19 test kung saan negatibo ang kanyang resulta.

Nag-sorry si tolentino kung nag na-offend sa pagpo-post pa niya ng larawan habang habang isinasagawa ang test kung saan makikita na kasama nya ang isang doktor ng senado.

Nilinaw ni Tolentino na Department of Health (DOH) test ang ginawa sa kanya.


Paliwanag ni Tolentino, nagpasya na sumailalim sa COVID-19 test dahil hindi gumagaling ang kanyang sipon at ubo na isa sa mga sintomas ng COVID-19.

Bukod pa sa na-expose din sya sa ilang individual na nagpositibo sa COVID-19 test na nagtungo sa senado.

Facebook Comments