Senator Trillanes, kumpyansa sa patuloy na pagbagsak ng trust ratings ni PDu30

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Senator Antonio Trillanes IV ang limang porsyentong ibinaba ng trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang bumaba sa 78’percent ang dating 83 percent na trust ratings ni President Duterte.

Base yan sa pinakahuling Pulse Asia survey na isinagawa nitong March 15 to 20.


Para kay Trillanes, nangangahulugan ito na nagsisimula ng makita ng Pilipino ang liwanag.

Kumpyansa si Trillanes na sa survey na ilalabas sa darating na buwan ng Mayo ay siguradong mas magiging mababa pa ang trust rating ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments