Senior citizen na babae at isa pang kasama nito, arestado dahil sa malaking halaga ng iligal na droga at baril sa Parañaque

Handcuffs

Arestado ng Parañaque City Police ang 63-anyos na babae at kasama nitong binata nang makuhanan ng droga na nagkakahalaga ng ₱102,000 at baril sa buy-bust operation sa Parañaque City.

Kinilala ng pulisya ang mga nahuling suspek na sina Ramon Butial alyas Mac, 34-anyos binata at nakatira sa Sunset Drive, Bahay Bato, Barangay Tambo, Parañaque City at Andrea Novela, 63-anyos at nakatira naman sa 8067 Pelaez Street, Brgy. San Dionisio sa nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga otoridad ang isa pang kasabwat ng dalawang suspek na si
Roben Usman.


Ayon sa pulisya, nakahalata ang suspek na si Usman na alagad ng batas ang kanilang katransaksiyon kaya nagawa nitong tumakas.

Ang nakuhang mga ebidensiya ay dinala sa SPD Crime Laboratory para suriin.

Nakakulong naman sa custodial facility ng pulisya ang dalawang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Comprehensive of Firearm and Ammunition Regulatory Act sa Parañaque Prosecutor’s Office.

Facebook Comments