Senior citizen na naglalakad pauwi, tinaga at pinugutan ng 2 umano’y lasing

1828
Courtesy San Remigio Municipal Police Station. WARNING: GRAPHIC CONTENT

Paalala: May ilang sensitibong bagay ang naisulat sa artikulong ito. Importante ang patnubay sa mga menor de edad o wala pa sa tamang disposisyon na maaring makabasa ng ganitong istorya.

Pinugutan ng ulo at walang habas na pinagtataga. Ito ang karumal-dumal na sinapit ng isang senior citizen sa kamay ng umano’y dalawang lalaking lasing sa Barangay Nasuli, San Remigio, Antique nitong Martes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronito “Dodoy” Aniceto, 63-anyos, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad pauwi ang biktima dakong alas-6:30 ng gabi nang bigla umanong mapagtripan ng mga suspek na sina Ruben Gregorio at Joseph Anacleto.

Tila hindi pa umano nakuntento sa isinagawang krimen, binitbit at pinagpasa-pasahan pa raw ng dalawa ang ulo ng kaawa-awang biktima.

Kaagad naman nadakip ng pulisya ang dalawa na tumangging magbigay ng pahayag.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang motibo nina Gregorio at Anacleto na sinampahan ng kasong murder.




Facebook Comments