Senior Citizen patay sa pamamaril sa Cotabato City

Patay ang isang 60 anyos na ginang matapos mabiktima ng pamamaril sa Cotabato City pasado alas dose kahapon ng tanghali.
Kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima na si Preciosa Narcida residente ng Looy South Upi Maguindanao.
Naitala ang pamamaril sa Avelina Gutierrez Avenue particular sa tapat ng Sideout Badminton Court RH 7.
Sakay ng Multicab ang biktima ng pagbabarilin ng riding in tandem criminals,nagtamo ng tama sa kanyang dibdib at tyan si Narcida mula sa bala ng caliber 45 pistol.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa dahilan ng pamamaril.

Facebook Comments