Senior Citizen, Prayoridad na Mabakunahan ng Janssen vaccine

21

Cauayan City, Isabela- Tututukan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na turukan ng single-dose vaccine na Janssen ang kabilang sa A2 priority group o mga senior citizen.

Batay sa datos ng National Immunization Program-Isabela, mababa ang porsyento ng mga senior citizen na nabakunahan kontra COVID-19 o katumbas lamang ng 23.7%.


Nitong July 24, 2021 ay natanggap ng Provincial Health Office ang nasa 58,550 doses kung saan 8,470 vials mula sa Janssen habang 16,200 vials naman ang sa Sinovac vaccine.

Nakatanggap rin ang provincial government ng inisyal na 2,900 vials ng unang tranche ng Astrazeneca na binili.

Muli namang nagpaalala ang pamahalaan sa publiko na sumunod sa minimum health standards para makaiwas sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments