Senior Citizen sa Pangasinan dinukutan sa jeep

Arestado ang 49 anyos na ginang matapos nitong dukutan ang kaniyang katabing senior citizen sa jeep.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, magkatabi umano ang biktimang si Imelda Cortez , 65 anyos at ang suspek na si Dionisa Castro lulan ng jeep na biyaheng San Carlos City- Dagupan City nang mapansin ng biktima na sira ang zipper ng bag nito bago pa makarating Bureau of Internal Revenue sa Calasiao ang sinasakyan ng mga ito.
Nang tignan ang bag nito wala na ang pitaka na naglalaman ng ng 60, 000.
Kasama ng biktima ang kaniyang anak na siyang kumonpronta sa nasabing suspek na nakakitang nakasiksik sa bewan ng suspek ang pitaka ng kaniyang ina.
Agad na inaresto ng PNP Calasiao ang suspek at ito ay haharap sa kasong pagnanakaw.

Facebook Comments