Senior Citizens at PWDs sa Datu Abdullah Sangki nakatanggap ng maagang pamasko

19

Pinagkalooban ng Local Government Unit ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao ng financial at livelihood assistance ang mga senior citizens at persons with disabilities.

Ang programa ay regular na ginagawa ng LGU DAS bilang pagsuporta sa grupo ng mga senior citizens at PWD ng bayan na higit na nangangailangan ng pagkalinga ayon pa sa pinakabatang elected Mayor sa buong BARMM na si DAS Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu na sya ring nanguna sa aktibidad sa panayam ng DXMY.


Bukod sa cash at livelihood assistance, namahagi rin ng wheelchairs ang LGU. Higit naman 300 senior citizens mula sa ibat ibang barangay ang nakabiyaya ng programa.

Isinagawa ang aktibidad sa Municipal Gym at nilahukan ng mga opisyales mula DAS maging ng Provincial Government at BARMM Government.

Nagpapasalamat naman ang mga benificiaries ng programa sa nag-uumapaw na suporta ng LGU.

Facebook Comments

From Advertisers