SENIOR CITIZENS SA DAGUPAN CITY, PINULONG UKOL SA EPEKTO NG EL NINO

Pinulong ang mga senior citizens sa Dagupan City upang talakayin ang epekto ng nararanasang init ng panahon sa pangunguna ni Mayor Fernandez.
Matatandaan na bagamat may bagyo ay nararanasan pa rin ang maalinsangang init ng panahon lalo na sa Dagupan City na nakapagtatala ng matataas na heat index.
Pinayuhan ang mga ito na magdoble maingat dahil mas prone ang mga ito sa heat exhaustion o o heat stroke na maaaring matamo sa ganitong init ng panahon.

Pinag-iigting din ang information dissemination ukol sa mga kailangang gawin para maiwasan ang dehydration at mga sakit na maaaring magdulot ng panganib sanhi ng nararanasang init na panahon. |ifmnews
Facebook Comments