Senior Highschool Voucher Program, inulunsad muli ng Department of Education

120

Manila, Philippines – Inilunsad muli ng Department of Education ang programa nilang Senior Highschool Voucher Program para sa papasok na 2017 – 2018 school year.

Sa ilalim ng voucher program, mabibigyan ng pagkakataon ang mga mapipiling estudyante na mabigyan ng hanggang P22,500 na pandagdag tuition.

Sa inilabas na advisory ng DepEd, pwedeng mag-apply sa voucher program ang mga grade 10 students na nagtapos sa mga pribadong paaralan.

Inanyayahan din ng DepEd ang mga grade 10 graduates na magsumite ng kanilang aplikasyon sa voucher application portal na OVAP.DEPED.GOV.PH.
DZXL558

Facebook Comments