Serbisyo ng Quezon City bus, suspendido ang operasyon simula Huwebes Santo

38

Nag-abiso ang Quezon City Local Government Unit (LGU) na suspendido ang operasyon ng Q City Bus ngayong Semana Santa.

Ayon sa QC LGU, sa darating na Huwebes, April 14 hanggang Sabado, April 16 walang biyahe ang Q City Bus.

Ito ay upang bigyang daan ang pakikibahagi sa paggunita sa panahon ng Kwaresma.


Ang Quezon City bus program ay layong magbigay ng karagdagang transportasyon sa mga pasahero at makatulong na maibsan ang trapiko sa lungsod.

Facebook Comments