Serena Williams, wagi agad sa kanyang pagbabalik laro

Wagi agad sa kanyang pagbabalik sa laro ang American tennis player na si Serena Williams.

Natalo ni Williams si Maria Sakkari sa iskor na 7-6(3) at 6-2 sa kategoryang group B ng Hopman Cup.

Nakapagtala din ng 2-1 win loss record ang Amerika makaraang matalo si Frances Tiefoe ng manlalarong si Stefanos Tsitsipas mula sa Greece.


Ayon kay Williams, masaya ang kanilang pakiramdam sa muling paglalaro para sa Amerika.

Facebook Comments