SERVICE CREW, ARESTADO SA PAGNANAKAW

14

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na wanted sa kasong pagnanakaw matapos maaresto sa Brgy. Villa Carmen, Ramon, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Adrian Pineda, 27 taong gulang, residente ng barangay Victory Norte, Santiago City.


Dinakip si Pineda ng pinagsanib-pwersa ng Mobile Patrol Unit (MPU) ng Santiago City Police Office at PNP Police Station 1 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Anastacio Anghad, ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 36, Santiago City para sa kasong Theft na may kaukulang piyansa na Php40,000.

Una rito, taong 2015 nang magawa ni Pineda ang pagnanakaw sa mga alahas ng kanyang Tiyahin at nagtago sa batas ng ilang taon.

Mismong ang apo naman ng biktima na si Jackelyn Camacam ang nagsampa ng kaso laban sa akusado.

Nasa kustodiya ngayon ng Presinto uno ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.



Facebook Comments