Sesyon sa Mababang Kapulungan, muli nang binuksan; Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, pormal nang nailuklok na Speaker ng Kamara

Pormal nang naupo bilang Speaker ng Kamara si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Ngayong araw ay mismong si Velasco ang nag-preside para sa muling pagbubukas ng sesyon sa Kamara kasunod na rin ng pagpapatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng special session para aprubahan ang 2021 General Appropriations Bill.

Agad na nagmosyon si Pampanga Representative Rimpy Bondoc para magsagawa muli ng nominal voting sa mga kaalyadong kongresista.


Ito ay para gawin nang opisyal ang isinagawang botohan kahapon ng mayorya sa Celebrity Sports Plaza.

Matapos ang botohan ay agad niratipikahan ang 186 affirmative votes upang pormal nang kilalanin na Speaker ng Kamara si Velasco.

Samantala, ang official mace na gamit din ngayon sa sesyon ay ang mace na ginamit din kahapon sa sports club.

Samantala, magbibigay naman si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ng kanyang irrevocable resignation bilang Speaker mamayang hapon.

Facebook Comments