Seven Pools sa Datu Abdullah Sangki, dinarayo

Dinadayo ngayong summer vacation ng mga nature adventurer ang isang itinuturing na munting paraiso ng Teduray Community ang “Seven Pools” sa sitio Binasang sa Baranggay Talisawa sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao .

Mararating ang lugar sa pamamagitan ng halos labing limang minutong vehicle ride mula national highway at 20 minutes trekking ayon pa kay DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa panayam ng RMN Cotabato.

Bukod sa papawiin ng kagandahan ng lugar ang nararamdaman mong stress , pagagaanin din ng napakalamig na tubig ang iyong pagod dagdag ng alklade.


Noong sabado, pinangunahan ni Mayor Bai Mariam ang pagbisita sa lugar kasama ang mga kasundaluhan, pnp, mga kawani ng LGU at ilang bisita kasabay na rin ng papalapit na pagdiriwang ng kaarawan ng ilang empleyado ng LGU ngayong buwan kabilang na nga ang alklade sa darating na April 11 at Admin Officer Odjie Balayman sa April 15.

Bukod sa samasama ang mga ito sa pagtampisaw sa spring, pinasaya rin ng mga ito ang mga residenteng lumad at mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay simpleng salo salo at kaligayahang hatid ng mga clowns.

Kaugnay nito iniimbitahan ni Mayor Bai Mariam ang lahat na bisitahin ang isang nakatagong yaman ng DAS.

DAS LGU Pics



Facebook Comments