SEWAGE TREATMENT PLANT | Halos 200 establisyimento sa Boracay, hindi konektado sa sewer line

66

Manila, Philippines – Umabot sa kabuuang 195 na mga establisyimento sa isla ng Boracay ang hindi konektado sa sewer line.

Ilan sa mga idinahilan ng mga establisyimento ang layo ng main sewer line at ang pagkakaroon nila ng sariling sewage treatment plant.

Giit pa nila, mayroon silang Discharge Permit (DP) applications pero hindi pa aprubado at nai-release ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Kabilang sa mga napasama sa listahan ng DENR at DILG na may violation ang PTA- Jetty Port, Paradise Bay Beach and watersports, Boracay Island Integrated Academy. Inc., Boracay Eco Village Resort and Convention Center, Shangrila Resort and Spa Boracay at Paradise Garden Resort and Hotel.

Facebook Comments