Target ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na pababain at puksain nang tuluyan ang kaso ng Sexual Abuse at Violence, maging ang kaso ng panggagahasa sa lungsod.
Alinsunod dito, palalakasin ang koordinasyon sa City Social Welfare Development, PNP, VAWC Desk, Department of Education at iba pang mga concerned agencies sa pagtataguyod ng naturang adhikain.
Isusulong din ang kamalayan at kaalaman sa mga kabataan at kababaihan ukol dito upang agarang matukoy ang mga kakailanganing respondehan.
Ipinagbigay-alam na rin ang iba’t-ibang hakbang ng mga katuwang na ahensya sa mga programa, at proseso upang maging kaisa ang publiko na tuluyang mawaksi ang anumang kaso ng abuso sa mga bata at kababaihan.
Samantala, palalakasin pa ang mga kapakanan at karapatan ng mga ito sa pamamagitan ng mga ilulunsad na proyekto at programa laan para sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments