Sexy actress na si Ara Mina, engaged na!

46

Engaged na ang 41-years old actress na si Ara Mina, sa boyfriend na si Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez.

Ito ay matapos na ibahagi ng isang photography company ng celebrities ang ilang memorable moments sa engagement nina Ara at Dave.


Sa Instagram, ibinahagi ng Nice Print Photo ang mga pictire nina Ara at Dave na magkasama sa isang lugar sa San Pedro, Laguna na puno ng magagandang bulaklak kung saan nakalagay sa background ang mga salitang “Will you marry me?”

Makikita rito ang pagluhod ni Dave sa harap ng actress sabay alay ng singsing.

Sa isang larawan, makikitang umiiyak si Ara habang isinusuot ni Dave ang engagement ring sa daliri ng nobya.

Nagyakapan naman ang dalawa sa isa pang larawan matapos umoo ni Ara sa marriage proposal ni Dave.




November 2020 nang pormal na inamin ni Ara na exclusively dating na sila ni Dave.

Facebook Comments