Shabu na pumapasok sa bansa, mula sa Golden Triangle Syndicate  

304

Kinontra ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Vice President Leni Robredo na galing China ang mga ilegal na drogang pumapasok sa Pilipinas.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nagmula sa Golden Triangle Syndicate ang mga shabu na sunud-sunod na nasasabat sa bansa.


Sinabi ni Aquino, hindi na nagma-manufacture ng droga ang China at sa halip ay kumuhuha na ito ng droga sa Golden Triangle para maipuslit sa ibang mga bansa.

Sinabi naman ni PNP OIC, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa, wala nang shabu laboratory sa bansa pero duda rito ang PDEA.

Facebook Comments

From Advertisers