SHABU SHIPMENT | PDEA, bukas sa pakikipagtulungan sa bagong pinuno ng BOC

115

Manila, Philippines – Welcome development para kay PDEA Director General Aaron Aquino ang pagkakatalaga kay Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Rey Guerrero bilang bagong pinuno ng Bureau of Customs (BOC).

Sabi ni Aquino, hindi na bago sa kanila si Guerrero dahil may maganda nang working relationship ang PDEA at MARINA sa ilalim ng termino nito.

Tiwala ang PDEA Director na magkakaroon pa sila ng mas magandang collaboration at partnership ni Guerrero lalo na sa pagtutok at pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa nakalusot na shabu shipment sa BOC.

Magtutulungan din daw sila para sugpuin ang mga international drug syndicate na sangkot sa isyu.

Facebook Comments