SHABU SHIPMENT | PRRD, dudang nasa ₱11 billion ang halaga ng shabu na nakalusot sa Cavite

28

Manila, Philippines – Duda si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa P11 billion halaga ng shabu ang laman ng apat na magnetic lifter na nakita sa Cavite.

Sa lecture sa Malacañang, iginiit ng Pangulo na maaaring nagkamali ang PDEA sa pag-estima sa halaga ng droga na laman ng mga magnetic lifter.

Aniya, maling nag-assume kaagad ang PDEA kahit na may nakitang trace sa mga ito na nagresulta sa kalituhan sa publiko.

Matatandaang una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na tinimbang nila muli ang apat na magnetic lifter at nakitang maaaring P11 bilyon ang halaga ng drogang nilaman nito na halos doble sa nauna nilang tantiya na P6.8 bilyon.

Facebook Comments