Shading threshold sa mga balota, pinababalik sa 25% ng PPCRV

Inirerekomenda ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na maibalik sa 25% ang shading threshold sa mga balota.

Ayon kay PPCRV Spokesperson Ana De Villa Singson, mayasdo aniyang mababa ang 15% shading threshold na ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) ngayong midterm election.

Marami kasi aniya silang natanggap na reklamo at alegasyon na mismatches sa mga balota kumpara sa mga resibo maging ang overvoting na dahil aniya sa mga smudges o maliliit na marka na nababasa ng mga makina.

Paliwanag ni Singson, masyadong sensitibo kapag 15% lamang ang shading thershold kung saan posible talagang nababasa kahit ang pinakamaliit na marka sa balota.

Kaya sabi ni Singson, mas mainam aniya kung ibabalik sa 25% ang threshold na ginamit noong 2022.

Kumpiyansa naman ang PPCRV na makikita sa gagawing random manual audit kung accurate ba ang resulta ng botohan mula sa mga makina.

Facebook Comments