SHARED SERVICE FACILITY PARA SA MGA SALT PRODUCERS AT POT MAKERS SA LA UNION, INILUNSAD

Inilunsad ng Department of Trade and Industry sa Balaoan, La Union ang Shared Service Facility bilang suporta sa industriya ng salt production at pottery sa lalawigan.
Matatagpuan ang sa naturang pasilidad ang makabagong teknolohiya na kinakailangan sa paggawa at postharvest processing sa asin na ginagamit bilang pamahid sa mga produktong banga.
Target ng tanggapan na mabenipisyuhan sa pasilidad ang mga maliliit na negosyante mula sa Bangar, Bacnotan, Caba, Bauang, Aringay, Rosario, San Fernando City at Sto. Tomas.

Noong nakaraang taon, ilang parehong pasilidad ang inilunsad sa ibang bayan ng La Union bilang suporta sa mga MSMEs sa industriya ng silk production at bag making. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments