Shares ng ilang cigarette groups, bumagsak kaagad matapos pirmahan ang executive order na magpapatupad ng nationwide smoking ban

27

Manila, Philippines – Bumagsak kaagad ang shares ng ilang cigarette group matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order laban sa paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar sa buong bansa.

Nabatid na bumulusok agad sa 3.17 percent ang shares ng LT Groups sa unang bahagi pa lang ng kalakalan ngayong Biyernes.

Mapapansin na ang naitala ng kumpanya na 15.86 pesos shares ay isa sa biggest losers sa merkado.

Ang LT Group ay kontrolado ng business tycoon na si Lucio Tan.
DZXL558

Facebook Comments