Sharon Cuneta, nilinaw ang detalye tungkol sa kanyang planong pagreretiro

63

Nilinaw ni Megastar Sharon Cuneta na hindi pa siya agad magreretiro sa showbiz dahil may ilang kontrata pa siyang kailangang ayusin.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Sharon na matagal na niyang planong magretiro kahit noong kakakasal pa lamang nila ni Senator Kiko Pangilinan.

Matatandaang una nang nag-post ang Megastar ng kanyang picture at sinabing papunta na siya sa pagreretiro dahil pagod na siya.

Tiniyak naman niya sa mga Sharonians na hindi siya biglang mawawala pero pinaghahandaan na niya ang mga posibleng mangyari.

Facebook Comments