Shelf life ng RT-PCR test kits, hanggang 6 na buwan lamang ang itatagal

Nilinaw ng Food ang Drug Administration (FDA) ang haba ng panahong itatagal ng shelf life ng RT-PCR test kits para sa COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hanggang anim na buwan lang ang shelf life nito.

Taliwas ito sa nakasaad sa Procurement Service Department of Budget and Management (PS-DBM) Technical Requirement document, na may petsa ng April 21, 2020, kung saan dapat na hindi bababa sa 24 hanggang 36 months ang shelf life mula sa petsa ng delivery.


Sa ngayon, sinabi ni Domingo na ang pinakamatagal na shelf life ng available RT-PCR test kit sa merkado ay 12 months lang.

Facebook Comments