Shell Light Duty Engine Oil, pormal nang inilunsad

45

Pormal nang inilunsad ng Pilipinas Shell ang kanilang bagong Shell Rimula Engine Oil o Light Duty Engine Oil LD5.

Ayon kay Anthony Wee, marketing manager for Shell Lubricant, partikular na magbebenenipisyo ng kanilang Rimula Engine Oil ang mga nasa online business o E-commerce.

Ang nasabing premium lubricant aniya kasi ay naka-disenyo sa commercial light duty vehicles tulad ng pickups at light duty trucks na karaniwang ginagamit sa delivery.

Ang ganitong uri aniya kasi ng mga sasakyan ay matipid sa gasolina kaya ito ang madalas na ginagamit sa online business deliveries.

Batay sa pagtaya ng mga eksperto sa taong 2025 ay lalago sa 10-billion US dollars ang e-commerce gross merchandise value sa Pilipinas.

Facebook Comments