Ilang pampublikong paaralan sa Dagupan City ang magpapatupad ng shifting sa schedule ng klase dahil sa nararanasan umanong kakulangan ng classroom dulot ng pagbaha ayon sa Schools Division Office.
Aminado si Schools Division Superintendent, Dr. Rowena Banzon, na marami pa rin sa mga paaralan ang may kakulangan sa silid-aralan dahilan ng shifting at pag-aantala ng pagbubukas ng klase sa ilang paaralan.
Aniya, isa sa dahilan ng kakulangan sa classroom ang pagsasaalang-alang na makapag-aral ang mga bata sa mga silid-aralan na walang pinoproblemang baha.
Bukod pa rito, mayroon rin umanong kakulangan sa computer sets at iba pang learning materials.
Patuloy ang koordinasyon ng tanggapan aa iba pang ahensya upang matiyak ang matiwasay na pagsisimula ng school year 2025-2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣