SHOOTING INCIDENT | 16 sugatan sa London

London – Labing anim ang sugatan sa firing incident sa Oxford Street sa London.

Agad na nagdulot ng panic at pangamba ng terorismo ang insidente kaya kaagad na nagsagawa ng lockdown ang mga awtoridad sa nasabing lugar.

Mahigit isang oras bago i-anunsyo ng Metropolitan police na wala silang makitang mga suspek at ebidensyang may nagpaputok sa area.


Naniniwala ang British Transport Police na nagsimula ang takot sa away ng dalawang lalaki sa Oxford Circus Underground Station.

Facebook Comments