SHOOTING INCIDENT | Dating pari, patay matapos pagbabarilin sa Masbate

102

Masbate – Patay ang dating pari matapos na pagbabarilin sa Barangay sa Tugbo Mobo, Masbate kaninang umaga.

Kinilala ang nasawing pari na si Aldrin Aganan, dating Catholic Priest at residente ng Barangay Tugbo Mobo, Masbate.

Sa ulat ng PNP Masbate, alas -7:50 ng umaga kanina nang pagbabarilin nang hindi pa matukoy na suspek ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek na ngayon ay target na nang manhunt operation ng pulisya.

Nagpapatuloy rin ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng suspek.

Facebook Comments