SHOOTING INCIDENT | Pagkaso sa 3 pulis na dawit sa pagpatay sa QC fiscal, ikinatuwa

56

Ikinatuwa ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa tatlong pulis-QC na isinasangkot sa pagpatay kay QC Chief Inquest Prosecutor Rogelio Velasco.

Dahil dito, maituturing na umano nilang “closed and solved” ang kaso.

May 11, 2018 nang tambangan ng mga suspek na sakay ng Toyota Innova si Velasco kasama ang kanyang anak na babae sa bahagi ng Don Antonio Street sa Barangay Holy Spirit.

Isa sa mga dawit na pulis ay kinilalang si PO3 Arthur Lucy.

Kinumpirma naman ng QCPD na patuloy silang nagbibigay ng seguridad sa pamilya ni Velasco mula nang mangyari ang ambush.

Facebook Comments