SHOOTING INCIDENT | Pagpatay sa isang huwes sa Camarines Sur, kinondena ni Acting Chief Justice Antonio Carpio

120

Kinondena ni Acting Chief Justice Antonio Carpio ang pamamaslang kay Presiding Judge Ricky Begino ng Metropolitan Circuit Trial Court ng San Jose-Lagonoy, Camarines Sur.

Si Begino ay pinagbabaril ng gunman na nakilalang si Wilfredo Armea sa harap ng kanyang tahanan kahapon sa Presentacion, Camarines Sur.

Nanawagan si Carpio sa mga otoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing krimen

Nagpaabot din si Carpio ng pakikiramay sa naiwang pamilya ng huwes.

Facebook Comments